Palagi namin tanong sa mga customer: "Kelan ko ba mababawi 'yung pinang-install ko?" Fair question — ₱260,000 ay hindi maliit na pera. Kaya dito sa article na ito, gagawa tayo ng actual math base sa totoong Meralco rates at totoong performance data ng mga installs namin sa Central Luzon.
Assumptions namin
- Package: Starter (5.5 kWp, 10 panels)
- Upfront cost: ₱260,000
- Current Meralco bill: ₱12,000/month (~920 kWh)
- Estimated solar generation: 700 kWh/month (~76% offset)
- Meralco rate: ₱12.50/kWh na inaaming tumataas ng 3–5% per year
- Panel degradation: 0.5% bawat taon
Year 1: Ang transition year
Sa unang taon, ang monthly savings mo: 700 kWh × ₱12.50 = ₱8,750/month, o ₱105,000/year. Parang ang bilis pakinggan — pero tandaan, may 2-3 months lag kasi sa net metering approval, so realistic: ₱95,000 sa unang taon.
Year 2 hanggang 5: Accelerating savings
Dito papasok ang double effect: bumababa ng 0.5% ang panel output, pero tumataas ng 3–5% ang Meralco rate. Net effect? Tumataas ang monthly savings mo bawat taon.
- Year 2: ₱108,800 savings (Meralco rate +4%, output -0.5%)
- Year 3: ₱112,600
- Year 4: ₱116,400
- Year 5: ₱120,100
Cumulative: ang payback point
Sa end of Year 3, na-recover mo na halos lahat: ₱95K + ₱108.8K + ₱112.6K = ₱316,400. Na-break even ka na at may extra ₱56K pa. Sa Year 4 palang, pure profit na ang lahat.
Lifetime value (25 years)
Ang panels ay may 25-year warranty. Sa buong 25 years, sa conservative Meralco escalation na 3%, ang total savings mo ay lalagpas sa ₱3.8 million. Minus 'yung ₱260K upfront, ang net gain: mga ₱3.5M+. Hindi kasama dito 'yung premium sa property value — hanggang 5% increase sa appraisal.
Kailan HINDI worth it?
Honest tayo: hindi para sa lahat ang solar. Kung ang bill mo ay less than ₱3,500/month, medyo mahaba ang payback (7–8 years). Kung gusto mong umalis sa bahay in 2–3 years, mas mahirap i-recover. At kung madilim ang roof mo o puro shade — kailangan muna ng site assessment.